CRAIG ISANG buwan na ang nakalipas magmula ng makabalik ako sa US at hanggang ngayon ay wala pa rin balita kay Evannah. Kahit ginawa ng ama ang lahat upang mahanap ang dalaga ay nabigo sila. Ang aking ipinagtataka ay paano nito nalaman ang exit sa ilalim ng carpet. Hindi rin naniniwala na missing ang dalaga at nakakasiguro na may taong tumulong dito. Lahat ng ospital sa buong Pilipinas ay na check ng mga tauhan ng ama ngunit walang nakita. Hindi tuloy maiwasan magduda na baka meron spy ng kalaban sa mismong grupo. “Kailan ang plano mong simulan ang muling paghahanap kay Evannah?” isang umaga habang nagkakape ay lumapit ang aking ama upang tanungin ako. “Gumagawa pa ako ng plano, dad. Ipapaalam ko lamang sayo kapag may schedule na ang alis ko.” “Iyong sikapin na sa muling pagbabalik d