CYDI THREE YEARS LATER… Wala akong pinagsabihan na darating ako ngayon. Nais kong ma-sorpresa silang lahat. “Pards, oyong number mo pala baka makalimutan ko.” wika ng kaibigan kong si Lester John, isa siyang Half Filipino-European. Pero mas gusto niyang dito sa Pilipinas maglingkod sa bayan. Sa Cebu, ang kanyang abuelo, doon siya tutuloy. “Heto ang contact number ko, Pards. Anytime pwede mo akong tawagan kapag narito ka sa Manila.” “Sure, Pards, paano mauna na ako at baka maiwan ako ng connecting flight.” “Ingat ka sa biyahe, Pards.” sabay kaway ko sa kanya. Nang wala na siya ay lumapit sa akin ang isang airport staff. Inalok niya ako ng private car, at tinanguan ko lang siya. Pagkatapos ay isinikay na niya ang aking mga gamit. Sa unahan ako naupo mismong sa tabi ng driver. “Mukh