CRAINE ANIM na buwan na ang lumipas magmula ng magsimula ang pagbabago ni Kuya Ivann. May napapansin ako sa kanya at mula lang ng maoperahan namin si Princess Chelsea Lei Montemayor, naging tahimik na siya. May mga pagkakataon na nakikita kong malalim ang kanyang iniisip. “Princess, may problema ba ang Kuya Ivann mo?” “Hindi ko rin alam, mommy. Pero nagsimula lang ang ganyang niyang attitude mula ng operahan namin ang anak ni Ma’am Lindsay.” “Sigurado ka na iyon ang dahilan?” “Not sure pero yon lang po ang nakikita ko. Hindi ko lang alam kung may iba siyang pinuproblema.” “Sige, kakausapin ko na lang siya. May duty ka ba ngayon?” “Wala po, off ko ng isang araw.” “Okay, sige anak maiwan na kita.” tumango na lang ako kay mommy. Umakyat ako sa aking silid at nag handa sa pag-alis. Ma