CYDI PITONG taon ang matulin lumipas at dalawang taon na akong nakakulong sa silyang de gulong. Ganun pa man ay hindi ko pinagsisihan na nangyari ito sa akin. Ang tanging mahalaga sa akin ay nakasiguro akong ligtas si Princess Craine. “Master Cydi, tuloy pa ba tayo sa event?” “Oo naman, bakit ganyan ang tanong mo sa akin?” “Gusto ko lang ipaalam sayo na may mga bagong investors na darating at baka nais mong magbihis?” “Bakit ano ang masama sa suot ko ay dito ako komportable?” “Wala naman, master Cydi, so ready kana?” “Yeah, ahm… wait tinawagan mo na ba ang kaibigan ko?” “Yes, Master Cydi, ang sabi niya ay sa event na kayo magkita at doon na raw siya diretso.” “Okay, tayo na.” “Kuya Cydi, saan ka pupunta?” huminto kami ng aking alalay nang marinig ko ang boses ni Princess Paule