CRAINE HINDI ako pumayag sa gustong gawin niya sa akin. Alam ni Cydi ang kahinaan ko kaya sinikap kung lumaban sa kanya. Nagpambuno kami sa ibabaw ng kama hanggang mahulog. Hindi na ako magpapatalo sa pang-akit niya sa akin. Alam ko ginagamit niya ang kanyang karisma upang tuluyang bumigay sa kanya ang babae. Nang makakuha ako ng pagkakataon ay sinipa ko siya sa harapan. Nakita kong napaluhod siya sa sakit at agad akong tumakbo. Subalit inabutan pa rin niya ako sa may pintuan. “Stop! Kundi magkakasakitan lamang tayo. Pero hindi kita hahayaan makalabas dito para lang bumalik sa bar!” sigaw niya sa akin at parang bigla kong nalunok ang dila ko sa kawalang maisip dabihin. “Stay! Wala akong gagawin sayo, gusto kong malaman mo na nasa paligid lang si Jackson at humahanap ng pagkakataon na