CYDI NAKATAYO ako sa baba ng building ng Martial Arts Kickboxing. Panay tingin ko sa aking relo habang naghihintay. Ilang minuto pa ang lumipas at naiinip na ako. Akmang hahakbang ako ng matanawan ko ang taong aking hinihintay. Nang malapit na siya ay mabilis akong gumilid at hinayaan na dumaan siya. Paglampas niya sa akin ay walang ingay ko siyang sinundan. Sa hindi matao na lugar ay agad ko siyang sinipa. “What the f*ck! Galit niyang sigaw sabay lingon sa akin. “C-Cydi, bro ikaw ba yan?” “Sino sa akala mo?” at tumayo ako sa gilid niya. Saka palang ako tuluyang nakilala. Siguro dahil nakasuot ang hood ng jacket ko at medyo madilim sa lugar na yon kaya hindi agad niya ako nakilala. “Hanggang kailan mo itatago sa akin ang kinaroroonan ni Princess?” “Wala akong karapatan pangunahan