CRAINE HINDI ako makagalaw ng bigla akong yakapin ni Rexon. “I miss you so much, ang tagal mong hindi nagpakita.” “Ahm… a-ano…” “Bitawan mo nga siya Kuya Rexon!” “Oh! Sorry.” wika niya at saka lang ako binitawan. “Ahm… isang linggo pa lang akong dito sa England. Kayo kumusta, sila tita at tito?” “Okay naman, mabuti pa ay doon ka mag dinner sa bahay. Sigurado miss na miss ka rin nila.” ngumiti lang ako, habang nag iisip ng isasagot. “Hindi siya maaaring ma-expose sa labas baka may makakita sa kanya.” mabilis na sagot ng kaibigan kong si Arci. “Anong ibig mong sabihin hindi ko maintindihan at sino ang pinagtataguan mo, Crissa?” “Iyon nga ang sasabihin namin sayo kaya pinapunta ka dito.” “What is that?” “Cydi Montemayor, dapat hindi niya makita si Princess.” muling sagot ng kaibig