CYDI NANG masiguro ko na lumabas ng bansa si Jackson at patungong England. Hindi ako mapalagay dahil sigurado na si Princess Craine ang pakay niya. Dasal ko na hindi niya agad mahanap ang kinaroroonan ng dalaga. Kundi ay baka wala kaming abutan ni Lester. “Pards, huwag kang masyadong nag iisip, hindi naman siguro basta makikita ni Jackson si Ms. Princess Craine. Bago naman siguro siya nagtungo sa lugar na yon. Alam ng mga kapatid niya kung safe ang lugar na yon.” “Yeah, hindi ko lang mapigilan mag-alala. Wala pa naman siyang alam sa sa paligid niya kung may panganib.” “Nauunawaan kita kung bakit ganyan na lang ang iyong takot. Dahil kahit sa akin siguro mangyari ay ganyan din ang nararamdaman ko.” “Ngayon ay nagsisisi ako kung bakit ipinagpaliban natin ang alis noong sinabi sa akin n