KATRINA MALAKING pagkakamali na nagpadala ako sa kamunduhan. Hindi ko napigilan ang kakaibang ligaya na tanging si Eros lang ang nakapag dama sa akin. Ngayon ay hindi ko alam kong paano ko siya haharapin dahil sigurado akong alam na niya na hindi ako si Ate Cath. Narito ako sa isang hotel at plano na dito magpalipas ng ilang oras habang pinag-iisipan mabuti kung ano ang pinakamabuting gawin. Pinindot ko ang power-off ng aking cellphone upang walang makakontak na kahit sino. At para akong nasisiraan ng bait dahil sa kagagahan ko. Ngayon paano ko pa paghihiganti ang kapatid ko sa matandang yon kung alam na ni Eros na hindi ako ang kanyang asawa. Baka palayasin pa ako niya pa ako at hindi na palapitin kay Baby Aerol. “Ang tanga mo talaga, Katrina! Naturingan ka na nakapag-aral sa isang ma