EROS PALAKAD LAKAD ako sa loob ng silid habang hinihintay ko si Catherine, bakit kaya ang tagal niyang magbihis? Kaya hindi ako nakatiis at pinuntahan siya sa private room. Akmang kakatok ako ng mapansin kong awang ang pinto. Dahan dahan kong itinulak ang pinto at ganun na lamang ang pagkagulat ko ng makita siya. Nakatalikod siya sa bandang pintuan at kitang kita ko ang malaking tattoo niya sa likuran. Isang dragon yon habang bumubuga ng apoy. Hindi lang yon napakagaling ng gumawa non dahil buhay na buhay ang pagkakagawa. Gusto kong lapitan siya at tanungin ngunit biglang nagbago ang aking isipan. Kaya hinintay ko siyang makapagbihis saka ako muling lumabas ng pinto at maingat hinila pasara. Ilang segundo ang lumipas at kumatok ako. Agad din bumukas ang pinto. Nakabihis siya ng simple