IN-LAWS

1521 Words

EROS AYAW ko muna mag-isip ng hindi maganda tungkol sa mga kilos at pananalita ni Catherine. Pero hindi na siya ang dating Catherine na asawa ko. Sapagkat ang babaeng pinakasalan ko ay walang alam sa pakikipag laban. Hindi lamang yon, mahinhin at mahina ang aking asawa. Isang dahilan kaya agad ko siyang pinakasalan at hindi ipinaalam kay Lola Martina. Pero sa nakikita ko ngayon ay napakalayo niya. At imposibleng sa limang buwan na hindi ako nakabalik ng Manila ay natuto agad siya sa pakikipaglaban? Hindi lang yon naging matapang din at kakaiba na siyang manalita ngayon. “Baby, dito ka muna at kakausapin ko si Doktora.” tumango lamang ako sa kanya at agad na tumabi kay Baby Aerol. Binuhat ko siya at hinalikan ng maraming beses. “M-Mamama…” nailayo niya si Baby Aerol dahil sa narinig.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD