KATRINA Pagkalapag pa lamang ng Donovan private plane ay naghanda na ako sa pagbaba. “ Wait for me, baby.” Pahayag ni Eros at kahit nais kong tutulan ang salita niya ay hindi ko magawa. Naroroon sa harapan namin si Ms. Evannah, nakakahiya kung doon pa ako gumawa ng eksena. Kaya tumango na lamang ako sa kanya. Hindi rin naman nagtagal at dala niya ang traveling bag. Kinuha din ang sa akin at siya na raw ang magdadala. Feeling gentleman ang loko akala naman yata ay mapapaniwala ako ng ganun lang, huh! Bulong ko pero biglang may yumakap sa aking baywang. “Bitawan mo nga ako! Hindi ka nahihiya sa mga taong nasa paligid!” Angil ko sa kanya sabay tulak palayo. Mabuti at hindi na umangal pa. Binilisan ko ang hakbang at tuloy tuloy na lumabas ng eroplano. Ngunit agad din niya akong inabutan,