EROS MATINDI ang kahihiyan na aking naramdaman ng makita ni Katrina sa ganun sitwasyon. Bakit ba hindi ko na sara mabuti ang pinto. Nakita tuloy niya ang pangit kong katawa. Siguro mas lalo akong mawawalan ng pag-asa na mapalapit sa kanya. “Benjie, kanina ka pa nakatitig sa plato mo, anak. Hindi mo ba gusto ang mga pagkain?” nag aalala na tanong ni Mama sa akin. “Aba, gusto po mama, ahm… K-Katrina, maari ko bang makatabi si Aian?” “Yes, po daddy ko.” mabilis na sagot ng anak kong si Aian. nakaramdam agad ako ng matinding kasiyahan. Lalo na ng lumipat siya sa tabi ko. “Pero po, ‘di ba masakit ang paa mo baka matamaan ko po.” “Aba hindi anak, magaling na ako dahil nariyan ka sa tabi ko.” saka ko siya binuhat at inupo sa aking lap. Kaya ko naman tiisin ang sakit at saka ngayon lang ito