KATRINA SA ilang bagay na narinig ko mula sa usapan ni Eros at anak kong si Aian ay lubhang kinabigla ko. Hindi ko kailanman naisip na mangyayari kay Eros ang masakit na pinagdaanan nito sa kamay ni Donya Martina. Ang pinag taka ko bakit nangyari sa kanya yon samantalang dati siyang CIA? “Hija, ayos lang ba sayo na makipag kwentuhan ako?” nalingunan ko ang mama ni Eros, genuine ang kanyang ngiti kaya naman ay ngumiti na rin ako sa kanya. “Oo naman po, Tita Roselyn.” “Doon tayo sa likuran, maraming magagandang bulaklak doon. At kapag ganitong oras ay lagi akong buimibisita sa mga orchid. Mahilig ka ba sa flowers, Katrina?” “Opo, pero noong maliit pa lamang ako, ng lumaki ay nakalimutan ko na ang tungkol doon. Maaga po akong na expose sa lahat ng bagay dahil wala naman pong ibang kapa