EROS NAKATITIG lang ako sa larawan ni Katrina at ng anak nito. Binigay yon ng kaibigan ko. Nakuhaan niya ito sa harap ng eskwelahan. Ngayon ay hindi na ako makapaghintay na muli siyang makita. “Ang tagal mo, Ate Evannah?” “Sorry brother, halika na at naghihintay na ang therapist mo.” “Ahm… maari bang wag muna ngayon?” pakiusap ko sa kapatid ko. At sana lang ay pumayag siya. “Bakit may gagawin ka ba na mas mahalaga kaysa sa iyong therapy?” “Ate Evannah, nakita ko si Katrina, sa police station last three days ago ng tawagan ako ni Lerah at pinapunta doon.” “Sinong Lerah ba ang tumawag sayo at paano dinampot ng mga police si Katrina?” “Dating kasamahan ko sa CIA noong active pa ako. Si Lerah Lei Bustanieda. At dinampot sila ng mga pulis dahil nagkaroon sila ng encounter ni Katrina s