Naiinis na binura ko iyong dalawang paragraphs sa ginagawa kong presentation. Nakailang type at bura na ako mula kanina pa. Walang nangyayari sa ginagawa ko. Pumikit ako at saka huminga nang malalim. Nang ibuga ko ang hangin, dumilat na ako at nag-concenrate sa screen ng laptop ko. Pinilit kong makabuo ng analysis sa slide na ginagawa ko ngayon. Pero ganun lang din uli ang nangyari. Binura ko lang din uli ang naumpisahan ko nang i-type sa laptop ko. Inis pa rin na isinara ko ang laptop ko, at saka ako sumandal sa swivel chair ko. One hour na akong nagta-type at wala naman akong ma-compose na maayos na sentence. Nung una nakatanga lang ako sa screen ng laptop ko. Nang mahamig ko naman ang sarili ko, wala naman akong matinong nagawa. Ano ba'ng nangyayari sa'yo, self? Epekto siguro n