Masigla akong nagising. Parang isang magic word iyong sinabi ni Papa na pwede na akong pumasok sa opisina. Maybe because the three lunatics will be out of my sight? Eh, paano naman si Redentor? Hindi mo rin siya makikita. Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi tamang laging naiisip ko si Redentor. Kung ano man ang meron sa amin, it's all fake. Hundi totoo. Walang katotohanan. Period! Bumaba na ako ng kama ko, para maligo na. Pagkatapos kong maligo, nag-ayos na rin ako para sa pagpasok ko. Nagsuot ako ng khaki terno na blouse and pants. Sa Amerika ko pa binili ito, at hindi ko pa naisuot. Nag-iisa na lang stock ito noong binili ko, at hindi ako nagsisisi dahil parang sinadya ito para sa akin. It compliments my skin kasi. Tinernuhan ko na lang ito ng isang wedge pump na doon ko rin binili sa desig