"So, ano'ng balak mo?" Pinatay ko muna ang kalan, at saka tinakpan ang bagong luto ko lang na hapunan namin ni Atasha. Humarap ako sa kanya, at saka naupo sa tapat niya. Dalawa na lang kami dito sa bahay niya, dahil nag-evacuate na 'yung tatlong kontrabida ng buhay ko. Si Keeno, Levi at Karl James. "Paano'ng balak?" balik-tanong ko kay Atasha. Pinaikot niya ang mga mata niya, bago siya muling sumagot sa akin. "Balak. Wala ka bang balak umalis dito sa bahay ko?" tanong niya sa akin. "Bakit naman ako aalis? Ako nga ang boyfriend mom di ba?" "Boyfriend." May kasama pang pagguhit sa hangin ng 'quote and unquote'. "Hindi asawa." "Doon din naman papunta 'yun, di ba?" Tumaas ang isang kilay ni Atasha. "Excuse me? Pretend boyfriend lang kita. Huwag assuming." "Ah... oo nga pala... ku