"Redentor..." "Yes, my princess?" sagot ko, habang pinapadaanan ko ng hagod ang bawat daliri ni Atasha. "Ikaw, ano'ng balak mo sa buhay?" Mabilis ko siyang sinulyapan. Nakapikit siya, habang padapang nakahiga sa kama niya Nakaupo naman ako sa gilid ng kama niya, habang minamasahe siya. Bigla akong nakaramdam ng awa kay Atasha. Alam kong ilang araw na rin siyang stress. "Ang maging asawa ka, my princess," pabiro kong sagot sa kanya. "T**o," patamad niyang sagot sa akin, na ikinatawa ko. Ipinagpatuloy ko lang ang pagmamasahe sa mga daliri niya hanggang sa braso niya. Talaga namang napakalambot ng balat niya, kaya nahumaling ako sa pagmamasahe doon. Hanggang sa maisipan kong dumako naman sa likod niya. "My princess, last day na nung tatlo bukas. Ano'ng balak mo?" tanong ko, habang