"Ata, nood tayo ng sine." Tiningnan ko ang nakangusong si Aileen. "Sorry, Ai. I can't make it this time. Magvi-video call mamaya si Redentor." Humaba ang nguso nito. "Hmp! Mula nang maging boyfriend mo 'yung si demi God, nawalan ka na ng time sa akin. Sa amin ni Keeno." Somehow, na-guilty ako sa sinabi ni Ai, pero ano'ng magagawa ko? "Ai... alam mo naman ngayon lang ako nagka-boyfriend ever since. Sorry. Sorry kung nawalan ako ng oras sa iyo, pero sa ngayon kasi kinikilala muna naman ni Redentor ang isa't isa. Alam mo namang mabilis ang mga pangyayari sa pagitan naming dalawa." Huminga nang malalim si Ai. "Well, alam ko namang sa pag-aasawa na tayo papuntang lahat. Lalo na sa iyo. Alam ko namang the olds are pressuring you for that. Pero, sissybel... huwag ka sana'ng magagalit sa