"Manood muna tayo sine, my princess." Napalingon ako kay Redentor. May something sa kanya ngayon. Kakasundo lang niya sa akin sa AGC ngayon. Sinabi niya iyon pagkatapos niya paabantehin ang sasakyan ko na siya ang nagda-drive. "Ano'ng meron?" tanong ko sa kanya. "Wala! Pagbibigyan lang kita..." Nagkibit-balikat pa siya, habang sa unahan ang tingin. "Pagbibigyang ano?" kunot-noo kong tanong sa kanya. Mabilis niya akong nilingon, tapos ay nginitian. Pagkatapos ay ibinalik na niya ang tingin sa harap. "Na tsansingan ako sa loob ng sinehan. Di ba nung nakaraan gusto mong manood tayo ng sine? Kaso nga, wholesome ako." Nanlaki ang mga mata ko, at saka ko siya hinampas sa braso. "Um! Feeling ka na namang lalaki ka!" Tinawanan lang ako ng kumag. "Seriously, nood muna tayo sine. Tapos