Nagising ako na nakikiliti sa mainit na hangin na dumadapo sa gilid ng leeg ko. Kaya pala ay nakasiksik doon ang mukha ni Redentor. Dito na kami nakatulog sa foam na inilatag namin sa sala, although wala namang nangyari sa amin nang higit sa halikan. "Redentor, tanghali na," sabi ko, at saka ko siya bahagyang niyugyog. "Hmm..." narinig kong ungol niya, sabay hapit sa akin palapit sa katawan niya, kaya mas lalo tuloy nasiksik ang mukha niya sa leeg ko. Bahagya akong natawa. "Redentor! Ano ba! Nakikiliti ako!" Pero tila nananadya siya na lalo pang idiniin sa leeg ko ang mukha niya. "Redentor! 'Yung balbas mo!" nakikiliti kong reklamo. Pinilit kong makawala kay Redentor "Saan ka pupunta?" paos ang boses na tanong ni Redentor. "Maliligo na. May pasok po tayo, Sir." Halos nakapiki