[Atasha] Iyong kanina na nakikita kong nasa harapan ko si Red, akala ko panaginip lang iyon. Pero napatunayan kong hindi nang maramdaman ko ang malalambot niyang mga labi. Biglang nanlaki ang mga mata ko, sa kabila ng nararamdaman kong init ng katawan ko. He's kissing me! Saglit akong hindi makapag-isip kung kakagatin ko ba ang labi ni Red para huminto siya sa ginagawa niya. O, itutulak ko siya palayo. Until I noticed that his lips are slowly coaxing my mouth to open. At dahil isa akong marupok na babae pagdating kay Red, hindi ko lang binuksan ang bibig ko, kung hindi, hinawakan ko pa ang batok niya at hinila pa siya lalo palapit sa mukha ko. His mouth tastes so good. Kailan ko nga ba huling natikman ang mga labi at ang mga halik ni Red? Bahagya akong nakaramdam ng pagkapahiya nang