Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa pagkaka-upo ko doon sa malaking puno. Namalayan ko na lang na bigla ay gininaw ako. Kaya pala ay basa na ako ng ulan. Wala akong ideya kung gaano na katagal umuulan. Kaya siguro ngayon lang ako nabasa ay dahil sa mayabong ang punong nasilungan ko. Ngayon pa lang sumisingit sa pagitan ng mga dahon ang tulo ng ulan. Nayakap ko ang sarili ko, sabay lingon sa nakatirik na bahay na magsisilbing pansamantalang tirahan namin ni Red. Wala akong choice ngayon kung hindi suungin ang ulan pauwi doon. Tutal naman ay basa na rin ako ngayon. Kung patatagalin ko pa ang pagkabasa ko ay baka magkasakit pa ako. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. Marami-rami na rin ang nakadikit na mga buhangin sa shorts na suot ko. No choice na rin ako kung hindi labhan itong dam