Pakiramdam ko ay ang sarap-sarap ng tulog ko. Parang ang tagal nang panahon na nakatulog ako nang ganito. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti habang nakapikit pa rin ako. Susulitin ko muna itong tulog ko na ito. Yumakap ako sa mahabang unan na lagi kong katabi sa pagtulog ko, habang sa kabilang side ko naman ay ang puwesto ni Amethyst. Bahagya ko pang isiniksik ang katawan ko dito. Medyo may kalamigan kasi ngayon, kumpara noong mga nagdaang gabi. Kakaiba ang lamig ngayon dito sa kuwarto ko. Pati ang ilong ko ay idinikit ko sa tela ng punda ng unan ko. Bahagya akong natigilan. Bakit parang iba yata ang amoy ng fabric softener na ginamit dito? Mabango pa rin naman iyong scent na naaamoy ko ngayon, kaya binalewala ko na lang ang bagay na iyon. Sumiksik pa ako nang konti sa unang yaka