[Redentor] Napangiti ako nang magdilat ako ng mga mata at mukha ni Atasha ang unang bumungad sa akin. Natutulog ito habang bahagya pang nakaawang ang mga labi na tila pagod na pagod. My smile widened more when I remember how we slam each other to the walls, and to the door of this cute house. Ni hindi na nga kami nakapaghubad ng pang-itaas, at tanging pang-ibaba lang ang inalis namin. Para tuloy kaming human version ng isang bear cartoon character na walang suot pang-ibaba. Bahagyang gumalaw si Atasha. "Amethyst..." Mukhang nananaginip pa siya ngayon. Napawi ang ngiti sa mga labi ko. Hindi ko pa masyadong napagmamasdan ang mukha ng anak nila ni Atlas Vergara, pero nasisigurado kong maganda itong bata. Pwede ko naman silang bawiing mag-ina kay Vergara. Wala naman sa akin kung hindi