Natutop ko ang bibig ko. Pres? President? MDR? Saan ko nga ba narinig o nabasa 'yung MDR? Naisip kong lapitan ang grupo nila Redentor. Gusto kong kumprontahin si Redentor. Pero baka naman biruan lang nila iyon. Baka naman Presidente sa kalokohan ang ibig nilang sabihin kay Redentor. Huwag ka munang judgemental, Atasha. Pero tinawag nilang Red si Redentor. Red Monte de Ramos. Gulong-gulo ang isip ko na muli kong sinilip ang umpukan nila Resentor. Isa-isa kong sinino ang mga mukha ng mga kausap niya. Sa bihis nila, mukha namang mga bisita namin sila. Hindi ko nga lang sila napapansin sa loob. Hindi rin ako masyadong pamilyar sa mga mukha nila. Mga nasa edad beinte pero hindi lalampas ng treinta ang mga edad nila. Maliban sa isa. Si Roy! "Pres, kailan mo ipagtatapat kay Ms. Atasha an