"Yes, Tita. Tulog na po siya." ["Mabuti naman. Samahan muna ninyo ni Aileen diyan 'yang batang 'yan. Ha, Atasha?"] Itinawag ko kay Tita Isa ang nangyari kay Keeno. Pati si Mama ay sinabihan ko na rin kung nasaan ako. Baka magtawagan na naman silang dalawa, mabuti nang mauna na akong magbalita. "Opo naman, Tita. Pero si Aileen uuwi muna. Sasamahan daw niya kasi si Tita Carina sa clinic bukas. Pero dadaan daw po muna sila dito para magdala ng pagkain namin ni Keeno. Kailangan ni Keeno ng mainit na sabaw bukas. Paniguradong may hang-over po ito paggising niya." Tiningnan ko si Keeno na mahimbing nang natutulog sa ibabaw ng kama ng Mama niya. Dito na namin siya pinatulog. Nakapagpalit na rin siya ng damit sa tulong ni Mang Ferdie kanina. Nakapaghilamos na rin siya, kaya presko na ang paki