Tinatamad akong bumangon. Lunes ngayon. In other words, Monday. Naipilig ko ang ulo ko. Bakit parang nahawa na ako sa kabaliwan ni Aileen? Naihilamos ko na lang ang kamay ko sa mukha ko. Pero nawala sa isip ko na may mudpack nga palang nakalagay sa mukha ko. "Arrgh!" Epekto siguro ito ng napipilitan kasi ako ngayong araw. Ngayon kasi ang araw na kailangang ko nang mag-report sa AGC. Ang Ardiente Group of Companies. Sa totoo lang, ayaw ko pa sana. Pero wala naman akong magagawa. Kahit pa siguro magpaalam ako kay Mama, o makiusap ako kay Papa, malamang na hindi nila ako pagbigyan. Well, I know my family so well, kaya alam kong hindi sila papayag. Eh, ano pa kaya si Lolo, si Gener Ardiente? Napalingon ako sa phone ko sa bedside table nang tumunog ito. Lolo Gener calling... Napab