Dalawa na lang kami ni Red dito sa kuwarto ni Amethyst. Tahimik at magkatabi kaming nakatayo sa gilid ng kama ni Amethyst. Walang gustong magsalita sa aming dalawa. Tila nangangapa pa ng mga salitang gustong sabihin sa isa't isa. Nakatunghay lang kami pareho sa natutulog pa ring si Amethyst. Habang si Red ay masuyong hinahagod ng isang daliri ang kamay ni Amethyst kung saan nakakabit ang karayom ng dextrose na nakakabit sa kanya. "Saan ka galing? / Sorry." Sabay naming sabi sa isa't-isa, kaya sabay na lang din kaming natawa. "Saan ka ba kasi galing? Nag-alala ako sa iyo. Bumangon ka raw agad after ng blood transfusion. Eh, kung nahilo ka?" may halong panenermon na tanong ko kay Red. "Uyyy... concern siya sa 'kin..." nanunukso namang sagot sa akin ni Red. Matalim ko siyang inirapan