CHAPTER 99 - FINDING RED

2525 Words

Bumalik ako sa private room ng asawa ni Ate Emerald. Nadatnan kong masayang nag-uusap ang pamilya ko at si Mrs. Vaughn. Malinis na ang mesa, at wala na ang mga pagkaing nakahain kanina doon bago ako lumabas ng kuwartong ito. Sa halip ay mga tasa ng umuusok na kape ang mga nasa harapan nilang apat. Maliban kay Lolo Gener na hindi na nagka-kape may ilang taon na rin. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Luminga-linga pa ako sa kuwarto para tingnan kung nasaan si Red. "Bakit, iha?" tanong sa akin ni Mrs. Vaughn. Nagbaling ako ng tingin kayi Mrs. Vaughn. "Si Red po?" Kumunot ang noo niya. "Hindi pa siya nagpunta dito, iha. Wala ba siya dun sa kuwarto ni Amethyst?" Umiling ako, "hindi ko na po siya inabutan dun." Biglang napatayo si Mrs. Vaughn. "Saan nagpunta 'yung taong 'yun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD