Nakadungaw ako sa salaming bintana ng kuwarto. Nakatingin ako ngayon sa dalawang importanteng tao sa buhay ko. Tulog na tulog si Amethyst ngayon habang isinasagawa ang blood transfusion sa pagitan nilang dalawa ni Red. Mabuti naman at nakatulog na siya. Kanina kasi ay iyak siya nang iyak, buti at napatahan ko siya kanina sa pamamagitan ng pagkukuwento sa kanya, hanggang sa makatulog siya. Binalingan ko ng tingin si Red. Masuyo siyang nakatingin kay Amethyst. Pinagmamasdan niya ito na tila ba pinag-aaralan niya ang mukha nito. "Atasha, kumain na ka muna. Mamaya pa raw iyan matatapos, mga thirty minutes pa." Nilingon ko si Mam Emerald. "Salamat, Mam Emerald. Gusto ko kasing nakikita si Amethyst. Hindi rin ako mapakali kasi." "Mam Emerald na naman?" taas-kilay na sagot niya sa akin. "S