"Bakit 'yung mga lalaki na 'yun kung nasaan tayo, nandoon din sila?" tanong ko habang nililibot ko ng tingin ang paligid namin. Nilingon ni Aileen 'yung mga tinitingnan ko. "Mga bodyguards ni Ata 'yang mga 'yan, duh..." sagot ni Aileen sa akin, habang wala lang ekspresyon si Atasha. "Wow... ano ka, Presidente?" tanong ko kay Atasha. Si Aileen pa rin ang sumagot sa akin. "Oo. Paglaki niya, Presidente siya ng kumpanya nila." Inirapan ko si Aileen. Medyo naiinis ako sa kanya. Sagot siya nang sagot, hindi naman siya ang tinatanong ko. "Presidente ng kumpanya? Sus! Ang tagal pa nun! Ang bata-bata pa ni Atasha, eh." "Masanay ka na, Keeno. Kung gusto mo akong kasama, masanay ka nang laging may nakabantay sa atin. Kami ni Aileen, sanay na." This time, si Atasha na ang sumagot. "Bakit ka