"Sino'ng Cachupoy?" tanong ni Carissa. "Ang pangit naman ng pangalan nun! Tunog matanda!" natatawang sabi naman ni Charm. Nakita kong pinandilatan naman ni Sugar iyung dalawa. "Bansag ko lang sa kanya 'yun. Kasi may artista dati, I think 70's or 80s? Ang style niya kasi ay nasa gitna ang hati ng buhok niya lagi. tapos straight na straight iyong buhok niya, kasi nilalagyan ng... pamada ba ang tawag dun? pomada? Something like that? So, nung nakita ko 'yung itsura nung guy na ganun ang style ng buhok niya, since hindi ko naman alam ang name niya, Cachupoy ang itinawag ko sa kanya." "Ang habang paliwanag, di ba?" sabat naman ni Aileen. "Eh, Mam Atasha... paano mo naman nakilala iyong artistang si Cachupoy? Eh, hindi mo namam pala generation 'yun?" tanong naman ni Sugar. Natawa ako.