"Eh hindi naman po ganoon Mamá, Papá. Ma-Mali po kayo ng iniisip," balik kami sa loob nitong kwarto na inukupa ni Diego para sa amin. Katabi ko sa malambot na higaan si Mamá at si Papá naman ay nakatayo habang nakapamewang na nakatingin sa akin. Patuloy sila sa pag-uusisa sa tungkol sa amin ni Diego. "Eh kung hindi. Ano 'yung nakita namin? Laro laro lang ganern?" Dagdag pangantiyaw ni Mamá. Matapos kaming mahuli nina Mamá at Papá ay agad kong pinaalis si Diego na agaran niyang sinunod. Laki pa nga ng ngisi niya matapos niyang malapatan ng labi niya ang labi ko. Sasagot pa sana ako pero biglang naging seryoso ang tema ng aming usapin ng magsalita si Papá. "Anak. Hindi ko man lubos alam kung ano ang nangyari sa inyo ni Arturo pero sana ay malu ako dahil... hindi ko talaga mapapalampas 'y