Chapter 48: Promise THIRD PERSON's P.O.V "Mabuti na lang at naisugod mo kaagad ang pasyente sa hospital. Kung hindi kasi namin siya naagapan ay maaaring malagay sa panganib ang buhay nilang mag-ina." seryosong sabi ng doctor kay Cyrus. Kaagad na naikuyom ni Cyrus ang kamao niya dahil sa pagkabahala. Sobrang kaba at pag-aalala ang lumukob sa kanya dahil hindi niya akalain na mapapahamak pa ang dalaga sa nangyari kanina. "A-ayos na ba ang mag-ina ko, doc?" kinakabahang tanong ni Cyrus sa doctor. Tumango naman ito. "Sa ngayon ay kailangan muna magpahinga ng pasyente. Kailangan din namin i-monitor ang lagay ng baby sa sinapupunan niya. Dahil kapag naging kritikal ang sitwasyon niya ay wala kaming magiging choice kundi ang paanakin na ang pasyente ng mas maaga." Napalunok si Cyrus ng ila

