Chapter 47: Boundary THIRD PERSON's P.O.V Nang matapos ang pag-uusap ni Cyril at Isla ay nagpahinga na sila pareho. Kaya nang makatulog na si Cyril ay agad siyang napunta sa madilim na lugar kung saan sila nananatili ni Cyrus kapag isa sa kanila ang nagigising. Agad namang nakita ni Cyril si Cyrus sa isang tabi kung saan ito nakatutok sa liwanag. Nilapitan ito ni Cyril saka niya napansin si Cyrus na lumingon sa kanya. "Nandito ka na pala." sabi ni Cyrus sa kanya kaya naman tumango si Cyril. "May gusto pala akong sabihin sa'yo." seryosong sabi naman ni Cyril. Mabilis na sumeryoso si Cyrus ng magtama ang mga mata nila ni Cyril. "What is it?" "Si Sena, ginugulo siya ng ex mo. Sinabi niya sa akin na gusto ni Elvira na magkipaghiwalay tayo sa kanya para bumalik tayo sa ex mo. Napansin ko

