Chapter 42: Proposal THIRD PERSON's P.O.V Nang magsimulang magsalita ang emcee at nagsimula na rin ang party na siyang mas nagpaingay sa venue. Hindi naman makapaniwala si Isla sa nakikita niya dahil napakaraming tao ang pumunta sa table nila para batiin silang dalawa ni Cyrus. Kaya kahit na nahihiya si Isla ay nanatili siyang nakangiti. Di akalain ni Isla na nadarating talaga ang araw na makikilala sila sa buong mundo. Nang magsimula ang party ay nagsimula ring umakyat ang mga tanyag na businessman at woman sa buong mundo. Pagkatapos silang kuhanan ng mga photographer ay nagsalita rin sila sa stage. Sinabi lang nila ang message nila na siya namang pinapanood ng mga tao ngayon sa buong mundo. Sobrang ingay sa loob ng venue dahil bukod sa mga businessman at woman ay may mga reporter

