Chapter 41: Party THIRD PERSON's P.O.V Isang buwan na rin ang nakalipas simula ng umalis si Isla sa trabaho niya sa kumpanya ni Cyrus. Sakto rin namang ngayong araw ay pitong buwan na siyang nagdadalang-tao. At simula naman ng mag-stay na si Isla sa condo-unit ni Cyrus ay may hinire rin itong caretaker. Ito ang nag-aassist kay Isla kapag gusto niya maglakad-lakad sa labas. Bukod pa dun ay ito na rin ang gumagawa ng mga gawain niya sa bahay dahil medyo bumigat na rin ang timbang niya dahil lumaki na rin ang tiyan niya. Madalas din namang hindi pumapasok sa trabaho si Cyrus at Cyril kapag kailangan ni Islang pumunta sa monthly check up niya na dati ay weekly check up. Kung nung una ay medyo ilang pa si Isla sa dalawang lalaki ay iba na ngayon. Mas naging malapit na siya kay Cyrus at Cy

