Chapter 31: Argument THIRD PERSON's P.O.V Kinaumagahan ay nagising si Cyrus ng marinig niya ang pagtunog ng alarm niya. Agad na kumunot ang noo ni Cyrus dahil sa pagkakaalam niya ay hindi dapat siya ang nasa katawan nila ngayon kundi si Cyril. Bukod sa hindi niya nakausap si Cyril nung nakatulog siya ay nagtaka rin siya na hindi rin lumabas ngayong araw si Cyril. Kaya naman walang ibang nagawa si Cyrus kundi ang tumayo mula sa pagkakahiga sa kama saka nagpasiyang lumabas ng kwarto. Pagkalabas ni Cyrus sa kwarto niya ay nakaamoy kaagad siya ng pagkain galing sa kusina. At dahil sa kuryosidad niya ay nagpunta kaagad siya sa kusina at agad namang bumungad sa kanya ang nobya niyang nagluluto ng almusal. "Finally, you're awake!" she said seriously. Napansin din ni Cyrus na seryoso iton

