Chapter 32: Revelations THIRD PERSON's P.O.V Napakagat si Isla sa ibabang labi niya. Hindi niya alam kung paano sasagutin si Cyrus. Sobrang kumakabog ang puso niya sa kaba, at hindi niya alam kung paano magpapaliwanag sa lalaki. "Isla, please. Answer my question!" nagsisimula ng ma-frustrate si Cyrus. Huminga nang malalim si Isla bago ikinuyom ang kamao niya. Pinikit niya nang mariin ang mga mata niya bago nagpasiyang yumuko para hindi niya makasalubong ang tingin ng lalaki. "Y-yes, you heard it right. I'm sorry, I lied! I didn't want you to know the t-truth. I don't want you to be angry and hate me when you find out that I got pregnant because of you." Isla said softly but enough for Cyrus to hear it. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Cyrus. Hindi niya malaman kung anong na

