Chapter 7: Unchanged ISLA SENA's P.O.V "Isla, I forgot to tell you that I'm going to Elvira's studio after my meeting." Cyrus told me. Agad naman akong tumango kahit na nabigla ako sa sinabi niya. Matapos kasi nung may mangyari sa amin ay gaya nga ng hinala ko ay walang naalala si Cyrus tungkol sa gabing iyon. Kaya sa loob ng dalawang buwan na lumipas matapos mangyari iyon sa aming dalawa ay hindi ko na nagawang kausapin siya tungkol sa bagay na iyon. Bukod kasi sa mas pinili kong manahimik at ilihim kay Cyrus ang nangyari sa aming dalawa ay hindi rin kasi siya tumigil sa pagbisita kay Elvira. Hindi natuloy ang kasal nila dahil sa break up na nangyari sa kanila two months ago. Bukod pa dun ay nililigawan daw kasi ulit ni Cyrus si Elvira para magkabalikan ulit sila. Pumayag man ang