Chapter 6: Friend ISLA SENA's P.O.V Gaya ng pinangako ko kay Elise ay ngayong araw ako makikipagkita sa kanya kaya maaga pa lang ay umalis na ako ng bahay. Kinailangan ko kasing magmadali dahil saglit lang kami magkikita ni Elise. Bukod kasi sa busy palagi ang schedule ng kaibigan ko ay madalas din siyang lumalabas ng bansa dahil sa trabaho niya bilang isang flight attendant. At dahil hinatid naman ako kagabi ni Cyril sa bar para kunin ang kotse ko ay mabilis akong nakabyahe ngayon papunta sa coffee shop kung saan kami magkikita ng kaibigan ko. Mabuti na lang at hindi pa rin ako kinokontak ngayon ni Cyrus. Alam ko kasing si Cyrus naman ang gising ngayong araw dahil salit-salitan naman sila ni Cyril lumabas palagi. Pagkapasok ko sa coffee shop ay nakita ko kaagad si Elise na kumaway