Chapter 17: Phobia ISLA SENA's P.O.V "Hindi ko magagawa iyong sinasabi mo, sis. Alam kong masaya sa pakiramdam kapag naging buong pamilya kami nila Cyrus pero ayoko naman maging selfish. Nauna dumating sa buhay niya si Elvira at wala akong balak sirain iyong relasyon na binuo at inayos na nila. Oo, mukha akong hypocrite dahil sa sinasabi ko dahil kung wala naman ako balak sirain sila sana hindi ko hinayaan mabuntis ako. Nadala kasi ako ng emosyon ko ng gabing iyon kaya nangyari samin ni Cyrus iyon. Pero kahit na nabuntis niya ako, kaya ko naman na buhayin mag-isa ang anak ko. Hahayaan ko lang si Cyrus na tumulong sa akin ngayon sa pagbubuntis ko pero pag nanganak na ako ay aalis na rin kami nang tuluyan ng anak niya sa buhay nila ng girlfriend niya." seryosong sabi ko kay Elise. Nakita