Chapter 16: Check up ISLA SENA's P.O.V Ilang linggo rin ang lumipas simula ng ipaalam ko kay Cyrus na buntis ako. Hindi naman naging madali ang lahat dahil kinailangan ko na magdoble-ingat. Bukod pa dun ay pareho akong sinasamahan ni Cyril at Cyrus sa check up ko weekly sa OB-GYNE ko. Masaya naman ako dahil kahit paano ay walang naging problema sa baby ko. Healthy naman siyang nagde-develop sa tiyan ko at iyon naman ang mahalaga sa akin. At ngayong araw ay wala akong trabaho dahil weekends. At dahil kakabalik lang ulit ni Elise sa pinas ay makikita ko ulit siya. Nag-usap naman na kami sa message na magkikita kami ngayong araw sa bahay niya. Napili namin na sa bahay na ni Elise magkita dahil mukhang pagod pa ang kaibigan ko dahil sa trabaho niya kaya naman pagkatapos kong maghanda ay