Chapter 22: Meet up CYRUS DELROY's P.O.V Na-late na akong nakapasok sa kumpanya ng dumaan pa ako sa studio ni Elvira para kausapin siya. Hindi nga lang kami ulit magkikita ni Elvira mamaya dahil may business trip siya sa ibang lugar. Sumang-ayon lang naman ako sa sinabi niya at pagkatapos nun ay pumasok na ako sa kumpanya. Pagkarating ko sa opisina ko ay agad kong nakita ang pagiging abala ni Isla. Mukhang seryoso ito at nang makita niya ako ay agad siyang sumunod sa akin na pumasok sa loob ng opisina ko. "Boss, may problema tayo. Tungkol ito sa shares na balak nating bilhin sa TTC. Bukod kasi sa kumpanya natin ay may ibang kumpanya rin ang nais na bilhin ang pinakamalaking shares sa TTC." seryosong sabi ni Isla kaya agad na kumunot ang noo ko. "Sino naman ang nagkainteres sa TECH T

