Chapter 21: Discussion CYRUS DELROY's P.O.V Nagising na naman ako sa paligid na nababalot ng dilim. Na-realize ko kaagad na kasalukuyan akong gising sa panaginip kung saan kami madalas na nag-uusap ni Cyril. Nang magsimula akong maglakad ay agad kong natanaw si Cyril na nakatayo habang nakatalikod sa akin. "Cyril!" tawag ko sa pangalan niya at kaagad naman niya akong hinarap. Nagtaka ako nang makita ko siyang seryoso na nakatingin sa akin. Doon pa lang ay alam ko na baka may problema at kailangan niya ulit akong kausapin. "Kamusta? May nangyari ba habang tulog ako?" tanong ko sa kanya. Huminga muna siya nang malalim bago ako tiningnan nang seryoso. "Your girlfriend told me to stay away from, Sena. She also told me that I should stop helping her. Sa totoo lang, wala akong pakialam ku