Chapter 20: Mess ISLA SENA's P.O.V Pagsapit ng alas-dose ng tanghali ay agad kong binuksan ang pinto ng opisina ni Cyril saka ako ngumiti. "Sir, oras na para sa meeting n'yo sa TTC." paalala ko kay Cyril. Mabilis namang tumayo si Cyril para lumapit sa akin at saka naman siya nagsimulang maglakad. Nasa gilid naman ako ni Cyril at sinabayan lang siya sa paglalakad. Pagkatapos nun ay sumakay kami sa kotse niya patungo sa TECH TRIBE Company. Hindi pa rin kasi natatapos ang pagbenta kay Cyrus at Cyril ng TTC. Kaya hanggang ngayon ay pumupunta pa rin kami dun para sa meeting. Gusto kasing makuha ni Cyrus ang malaking shares ng kumpanya para maging associate na ang TTC sa TGC na pagmamay-ari ni Cyrus. Nang makapasok kami sa loob ng building ay mabilis namang pumunta sa meeting room sila Cyr