Haelyn's Point Of View" Nakarating na kami sa Hospital at tamang tama nga na wala ng tao ang hallway dahil tulog na siguro silang lahat. Mga 11pm na kasi kami nandidito kaya pala madilim na nung ginising ako ni Mom kanina. Dumaan kami sa likod ng Hospital para hindi kami makita ng mga tao sa harapan. Dahil kilalang tao si Mom at may ibang mga kalaban din siya na kita na ang mukha niya kahit nagmamask siyang humarap sa mga tao. Napakagat ako sa labi ko at parang nanindigan na ang balahibo ko habang naglalakad. Pag Hospital kasi ay nararamdaman ko na katulad sa mga movies na nakikita ko na may mga nagpapakita. Lalo na't wag sana kaming mapunta sa kung saan nilagay ang mga patay. Bigla akong napahinto dahil sa isang hallway kasi ang wheelchair ay gumalaw ng siya lang. Napalunok ako ng w

