Haelyn's Point Of View* Sinamaan ko pa din ng tingin ang matandang ito. Di ko tutularan ang mga mambabastos sa Pamilya ko kahit bata pa yan o matanda lalo na mapa kadugo man o hindi basta babastusin o sasaktan na ang Pamilya ko at di ko patatawarin kung sino naman ang gagawa nun. Dadaan muna sila sa mga kamay ko. "May anak ka na hindi namin nalalaman lahat, Akira! Nagkaanak ka na hindi kinakasal!" Napapikit ako dahil parang nabinge ako sa boses niya at binawi niya ang kamay niya na hawak ko. At nakikita ko talaga ang galit sa mga mata nito. "Napaka grasyada mo! Nilihim mo pa sa amin ng ilang taon! Pero ang pinagtataka namin bakit hindi namin nakita na nabuntis ka. Napaka imposible naman naman ang bagay na yun. Grasyada kang babae ka!" Nasaktan ako sa sinabi niya kay Mom. Sarap sapaki

